Sa wakas, isang manikang nakangiti na kita ang ngipin at may bahid ng pagka-Asyano! Kaso dapat ba may kulay pula ang buhok? Siguro ganun ang tingngin ng mga Kano sa mga Asyano... tingnan mo ang tauhan sa Glee na si Tina, dati naman, may kulay asul ang buhok. Makikita din ang kakaibang kulay sa bagong manikang Stardoll at maging sa lumang manikang Generation Girl Mari. Hindi ako mahilig sa ganung istilo. Kaya pinagbubunot ko ang kakaibang kulay na buhok.
Sinubukan ko din ibahin ang itsura nya. Gusto ko subukan ang hindi makapal na make-up. Yung may make-up pero mukhang wala. Yung mukhang ordinaryong babae na papasok sa opisina at hindi bilang GRO.
Nagustuhan ko naman ang kinalabasan kaso di ko alam kung masgusto ko ito kaysa sa makapal ang make-up. Mabuti na lang dalawa ang binili kong Raquelle. Yung isa babaguhin ko din ang mukha pero gagawin kong makapal pa din ang make-up.
Mukhang ang saya-saya nya!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento