Ito ay nabili sa halagang PhP250. Oo, rare ito pero hindi lahat ng rare ay in demand. Hindi lahat ng rare ay valuable. Kaya walang dahilan para bilihin ito sa masmahal na halaga, maliban na lang kung gusto mo makipaglokohan.
Wag mo itong seryosohin dahil wala na ako sa katinuan. Hello...naglalaro kaya ako ng manika.
Lunes, Nobyembre 26, 2012
Madelman Arctic Explorer naka sale
Ito ay nabili sa halagang PhP250. Oo, rare ito pero hindi lahat ng rare ay in demand. Hindi lahat ng rare ay valuable. Kaya walang dahilan para bilihin ito sa masmahal na halaga, maliban na lang kung gusto mo makipaglokohan.
Biyernes, Nobyembre 23, 2012
Madelman Xtrem Landyacht naka sale
PhP250 lang sa Toy Express. May ibang nagbebenta sa eBay ng PhP350. Pero sa tingin ko meron pa din syang maloloko.
Miyerkules, Nobyembre 21, 2012
Marvel Universe Spider-Man and His Amazing Friends (Firestar at Iceman)napakatagal nang naka sale
Five hundred pesos lang para sa tatlong action figures sa Toy's R Us. Hindi kasi bumenta. Kahit nga PhP500 na lang, hindi pa din bumebenta yung iba.
Mag-ingat sa nagbebenta ng mahal. Huwag magpapaloko.

Lunes, Nobyembre 19, 2012
Madelman 2-pack action figure soldier Naka Sale
Dating silang binebentang P400 pero ngyon PhP200 na lang sa Toy Express. Maraming nagbebenta ng masmahal nito sa Greenhills, eBay at iba pang tiangge.
Tandaan na walang masyadong may gusto sa laruan ito kaya wala gaanong buminili. Dekada 80 pa nagsara ang kumpanyang gumawa ng laruan. Ganoon katagal na hindi bumebenta ang laruan ito.
Star Trek 3.75inch action figure (Galaxy Collection) Naka Sale
Ang dating presyo nila ay PhP200. Last year, naka sale sila ng PhP80. Ngayong taon, naka sale sila ng PhP40 sa Toy Express.
Mag-ingat sa mga nagbebenta ng masmahal sa eBay. Wag magpaloko.
Miyerkules, Oktubre 17, 2012
RH Bill
Martes, Oktubre 9, 2012
Marvel Universe Comic Pack Mandarin Action Figure
Wit ko knowing why pinagkakaguluhan ng ibang badette ang Mandarin action figure. Wiz naman sya starlet. Cynthia? Wit ko nga sya knowing. Imbey ang pricing nya ha! May mga lukaret na game magpaysung ng isang kyaw.
Bet ko lang sya pagkatapos ko magsighting sa Google ng contravidang Tsenemae sa Marvel Universe. Kahit sinong contravida, basta Tsenemae. Wala naman ako ibang mapagpilian kaya binili ko na sya. Queber! Nagetsak ko syang chepangga. Winnie Monsod atashie.
Pero pak na pak sya sa starring role nya (dautera, bitter ocampo at eksenadora) sa picturesque matagal ko nang gustong getsakin. Namsung nitetch: "Territorial Disputes".
Mega-join din sina Sunfire, na isang HapHap, at si Darna. Hay naku! Kaokray-okray si Darna ditey. Crayola ka na lang ineng.

Sabado, Oktubre 6, 2012
Collecticon 2012
Para sa akin, ang Collecticon ay isang maliit na version ng ToyCon. Pareho silang maingay at masikip o matao. Ang malaking pinagkaiba ng dalawa ay libre ang pagpunta sa Collecticon. Sa ToyCon, may mapala ka man o wala, kailangan mong magbayad ng entrance fee.
Dahil baguhan ako sa pangongolekta ng Marvel Universe (MU) action figures, nagbakasakali akong makakabili doon ng mga lumang release sa murang halaga. Presyong holdaper kasi ang iba sa eBay. Hindi naman ako nabigo. Nakakuha ako ng dalawang kontrabida. (PhP450 ang Dr Doom, PhP400 ang Ultron.) Marami pang ibang mga lumang release kaso hindi ko binili dahil (1) mahal (2) hindi ko gusto (3) pareho.
Ang una ko talagang pinagkainteresan ay ang katawan ng action figure na nagkakahaga ng PhP600. Matagal ko na kasing hinahanapan ng bagong katawan ang 2 Star Trek figures ko na hindi ko pa nalalaruan kahit noong 2009 ko pa binili. Pangit kasi ang original na katawan. Walang paa! Siniguro ko muna na nalibot ko na ang buong lugar para sa mga MU bago ko binili ang mga katawan. May mga issue kasi ako sa katawan.
Nagdalawang-isip ako bilihin ito dahil baka hindi tugma ang kulay. (Hindi nga, pero pwede na.) Hindi ko din gusto ang mga joints nito na mukhang robot. Ok lang kung natatakpan ng damit. Pero nang kinunan ko ng larawan, hindi din naman ganoon kasama sa paningin. Mukhang sa marupok na klase ng plastic gawa ang figure, kaya siguro mura. Iingatan ko na lang para hindi agad mabali. Sana hindi agad masira ang mg abago kong laruan.
Sa limang taon ng Collecticon, 2 beses pa lang ako nakapunta. malayo kasi. Sana sa susunod sa Galleria na lang ganapin, o di kaya sa Alimall.
Lunes, Setyembre 24, 2012
Lunes, Setyembre 17, 2012
Nakakatawang Kwentong eBay
Maraming bagay ang bumebenta sa eBay ngayon na may kasamang nakakatawang kwento. Halimbawa na lang ng isang Hulk na laruan sa linya ng Marvel Universe.
http://www.ebay.ph/itm/MARVEL-UNIVERSE-WAVE-18-HULK-LEGENDS-AVENGERS-/290775297178?pt=LH_DefaultDomain_211&hash=item43b38eec9a
Sa kasalukuyan, pumapatak itong PhP525 sa eBay. Ang pick-up point ay sa Megamall.
Ang nakakatawa, kahapon lamang, binibenta ang parehong laruan sa halagang P499.75 sa parehong lugar. Masmadalas talaga na masmahal sa eBay kaya hindi na ako masyado bumibili doon.
Ang dagdag na gastos (na hindi naman kailangan) ng mamimili ay kasalanan ng mga pangunahing toy stores at toy distributors. Kung alam lamang ng mga mamimili na kung ano ang meron sa mga tindahan, hindi na kailangan ng dagdag na gastos ng mga toy collectors sa pagbili sa eBay. Dahil dito talo pareho ang mga main toy store/distributor at mga mamimili. Ang kita na pwedeng mapunta sa mga pangunahing toy stores at toy distributors, napupunta sa mga ebay sellers. Masmalaki pa minsan!
Dapat may maayos na paraan para malaman ng mamimili kung ano ang meron sa mga tindahan (o paparating pa lang) upang maiiwasan ang mgaganitong nakakatawang kwento. Hindi mo naman masisi ang mamimili tulad ko na nagtatanong talaga sa tindahan. Ang kaso, kahit subukan mo tanungin ang mga sales personnel sa tindahan, hindi nila alam.

Martes, Setyembre 11, 2012
Kayla Gangnam Style
Sa tindi ng pagsikat ng kantang "Gangnam Style", may mga grupo ng mga tao ang lumalait dito. Minamaliit nila ang mga tila hindi aral na galaw ng sayaw. Ang hindi nila alam, ginagawang kakatawa ng kantang "Gangnam Style" ang mga aral at pinong estilo ng ibang tao. Walang mas magandang paraan para gawin iyon kundi magpakabarubal.
Nakikiuso sa pagkabarubal si Kayla.
Lunes, Agosto 13, 2012
Ano ba ang Toy Expo Philippines 2012 ng Toy Kingdom?
Hindi ba pakana lang ito ng Toy Kingdom para bumenta ang mga laruan nilang hindi dati naibenta? Bakit kailangan pa ng Toy Expo kung buong taon naman bukas ang tindahan ng Toy Kingdom?
Magbibigay ba sila ng diskwento sa Toy Expo? Magkano? Tig-10% sa bagong laruan at 30% pataas sa mga hindi bumenta last year o mas luma pa? Sa mga paparating na -ber months, hindi ba magkakaroon pa ng ibang sale? At hindi ba ganoon din kaliit ang mga diskwentong makukuha? E bakit hindi mo na lang hintayin ang ibang sale? Bakit kailangan mo pa sadyain yung Toy Expo?
Hindi ba ang totoong "expo" ay pagbibida kung ano ang bago, pagpapakita ng innovations at hindi pagtityaga sa luma? Aasa ka ba na may innovations kang makikita sa Toy Expo Philippines 2012? Kung meron mang bago, ilang porsyento naman ito kumpara sa luma?
Pagkatapos mong itanong lahat itong tanong ko sa sarili mo, pupunta ka pa ba? Dapat bang pag-aksayahan ito ng panahon?

Huwebes, Agosto 9, 2012
Namor, may malansang balak
Kamakailan, sa kwento ng labanang Avengers vs X-men ng Marvel comics, binaha ni Namor ang Wakanda. Ngayon, namataan naman si Namor sa Philippine area of responsibility. Agad syang hinarap ni Darna upang maiwasan na maging bagong Atlantis ang Pilipinas.
Hindi alam ni Namor na mahilig kumain ng isda si Darna.

Martes, Agosto 7, 2012
Tama na kadramahan mo, Storm!
Kaya naman pala nagwawala si Storm. Nakipaghiwalay na pala sa kanya ang kanyang asawa. Kilala naman natin si Storm, kapag nagsimulang nagdrama, sumasama ang panahon.
Pero di papayag si Darna na makaapekto ang kadramahan ni Storm sa bansa nya, di ba?

Tunggaliang Storm (ng X-men) at Darna
Huwebes, Agosto 2, 2012
Darna, gaya-gaya?
Minsan tinatawag na Filipino Wonder Woman si Darna. Isa siguro sa pinakamatinding intriga na ipinukol kay Darna ay ang pagbintang na ginaya sya kay Wonder Woman.
Ayon artikulong Darna: The Filipino Superheroine ni Ernee Lawagan, si Darna ay hinango kay Superman. Nabuo na at inialok sa mga publishers ang konsepto ni Darna (na dating si Varga) noong 1939 pa, dalawang taon bago lumabas sa komiks si Wonder Woman. Duda dati mga publisher na tatanggapin ng mambabasa ang isang bidang babae kaya hindi ito nailathala agad.
Totoo man ang kwentong iyon o hindi, hindi na ganoon kahalaga kung saan nagsimula si Darna. Ang masmahalaga ngayon ay kung saan sya patutungo at mukhang wala nang patutunguhan si Darna. Dahil lumisan na ang may akda kay Darna, marahil magtyatyaga na lamang tayong tumatangkilik sa kanya sa mga recycled na kwento. Buti pa si Wonder Woman, may mga bagong kwento, walang pagod sa pakikipagsapalaran.
Pero kahit papaano, si Darna may masayang wakas.

Miyerkules, Agosto 1, 2012
Darna, Bira!
Tulad ni Superman, galing sya sa ibang planeta. Tulad ni Wonder Woman, isa syang magandang mandirigma. Tulad ni Captain Marvel, kailangan nyang bigkasin ang isang kataga para magpalit ng anyo. Hindi katulad ng mga nabanggit na tauhan, kapag si Darna ang bumira, kaya nyang patayin ang kanyang kalaban. Ayos lang iyon sa mga tagahanga niya.
Hindi naman sa hindi naniniwala si Darna na kayang magbago ng mga masasama. Wala lang bilangguan sa maliit na bayan niya na kayang paglagakan ng mga makapangyarihan niyang kalaban. Isa pa, nakiusap naman sya na sumuko ang kanyang kalaban. Kung ayaw nila sumuko, makakatikim sila ng bira ni Darna.
Sa TV series na pinagbidahan ni Marian Rivera, pinakita kung paano naputol ni Darna ang braso ng Babaeng Lawin. Kahit magmakaawa ang Babaeng Linta kay Darna na wag sya patayin, pinatay pa din sya ni Darna. Sa isa namang episode pinakita kung paano sa papapagitan ng kanyang kamay, butasin ni Darna ang dibdib ni Zandro, hari ng liping ahas. Lahat yan napanood ng mga bata. Bilib ka na ba?
Karamihan ng mga larawan ni Darna ay nagpapakita sa kanyang lumilipad, naka-pose bago makipaglaban, o kaya nakatayo parang modelo ng damit. Wala masyadong nagpapakita kung paano nya bugbugin o patayin ang kanyang mga kalaban. Naisip kong gumawa ng ganoong larawan.
Nabali ang braso ng laruan kong Catwoman. Ang hilig ko kasi ipagawa sa kanya ang iba't ibang pose. Kahit sira na sya, hindi ko sya tinapon. Baka magamit ko pa din sya balang araw. Ito na yung araw na iyon.

Martes, Hulyo 31, 2012
Lunes, Hulyo 30, 2012
Buhay si Darna
Hindi katulad ng mga bida sa DC at Marvel komiks, madalas walang bagong kwento si Darna. Wala syang pool of writers para mag-isip ng mga bagong pakikipagsapalaran nya. Salamat na lamang sa mga pelikula at palabas sa TV, nabibigyan buhay paminsan-minsan si Darna.
Kahit hindi madalas ang pamamasyal ni Darna sa mga pahina ng komiks, gusto kong manatiling buhay sya sa aking imahinasyon. Kaya gumawa ako ng sarili kong Darna action figure.
May iba pa pala gusto bumuhay kay Darna. Sana maging matagumpay sila.Wag lang sana masyadong nakabuyangyang ang singit ni Darna kung sakaling papaliparin uli sya.

Miyerkules, Hulyo 25, 2012
Masmadaling maglaro ng action figure kaysa sa manika
Dati puro barbie ang nasa Flickr account ko. Ngayon, sa unang pahina, puro larawan ng action figure ang makikita. (Hindi kasama ang mga thumbnail para sa mga sets.) Kasama na dito ang mga larawang kasama sa entry kong ito pero walang kinalaman talaga sa sasabihin ko.
Nabanggit ko na dati kay Matto na medyo nasasawa na ako sa pagmamanika. Masmakain sa oras maglaro ng manika. Dahil wala naman talaga ako ganoong kahabang oras, dapat masulit ang maikling panahong nakabudget sa paglalaro, kaya action figures na lang muna ang lalaruin ko. Siguro kung nakapaglaro ka na ng dalawa, maari mo silang maikumpara. Pero ilan lang talaga sa atin ang nakapaglaro ng dalawa?
Bakit ko nga ba nasabi na masmadali maglaro ng action figure? Inilista ko ang mga dahilan.
1. Hindi na kailangang bihisan pa ng paulit-ulit ang mga action figure. Ang pagbibihis ng manika ang isa sa pinakakaraniwang paraan ng paglalaro ng manika. Kung naglalaro ka ng manika, siguro naman alam mo kung gaano kahalaga magtugma ang mga damit, sapatos at ibapang burloloy sa katawan. Ang pag-style sa isang manika pa lamang ay maaring tumagal ng ilang oras, iyon ay kung ayaw mong mukhang nakapambahay sila.
2. Dahil karaniwang limitado ang mga pose na gawin sa mga manika, kailangan magaling mag-isip ng ibang paraan ng pagkuha ng larawan. Sa action figure, ibahin mo lang ang pose, parang naiba na ang mga pangyayari. Sa model muse na manika, halimbawa, itaas, ibaba mo man ang kamay o ipihit mo man ang ulo, para pa din syang nagmomodel lang. Para "magmukhang bago" ang manika, kailangan makita ito sa bagong sitwasyon, posisyon o perspektibo.
3. Dahil mas maliit ang action figure, mas maliit na set ang kailangan. Ang mas maliit na set ay mas madaling i-manage.
4. Hindi mo na kailangan umisip ng mga character para sa action figure. Alam na kaagad kung mainitin ang ulo nila o mabait sila. Sa manika, kailangan mo pa isipin yun. At kailangan mo pa ibagay yun sa damit.
5. Pwede kontrahin ito ng iba, pero para sa akin, mas mahirap mag customize ng manika.

Lunes, Hulyo 23, 2012
Manikang Panglalaki
Bata pa lang ako, patago kong tinuring ko na mga manika ang mga G.I. Joes. Naalala ko pa noon na pinapatulog ko sila at ginagawaan ng bahay-bahayan. Pinapakain ko din sila at pinagpapahinga kapag napagod na sila makipagbaril-barilan.
Sa tanda kong ito, siguro naman, hindi ko na dapat itago ang pagturing ko kanila bilang manika. Wala na ang mga dati kong GI Joes. Mabuti naman at meron akong bago.
Akala mo nag-aaway si Snake-eyes at Storm Shadow, ano? Wag ka. Ganyan lang sila maglambingan.

Martes, Hulyo 17, 2012
Laban kung Laban
Kung sa Barbie, nai-imagine mo na maganda ka kahit hindi naman, sa action figures, nai-imagine mo na makapangyarihan ka kahit hindi naman.
Habang ipino-pose ko ang mga action figures ko, ini-imagine ko kung paano ang itsura namin habang sinusupalpal ko ang kalaban ko. Nai-imagine ko ang galit at ang lakas, habang dinudurog ko ang pagmumukha nila.
Walang awa-awa. Laban kung laban. Matira, matibay. Kahit maganda ka, parang si Barbie, kung mahina ka, bugbug ka.

Lunes, Hulyo 16, 2012
Bida laban sa bida
Kapag natalo na ng mga bida ang mga kontrabida, asahan mo may lalabas na bagong kontrabida sa hanay ng mga bida. Bawat isa sa atin ay may pansariling interes. Kung ang ating pansariling interes ay hindi na tugma sa interes ng ibang kaanib sa grupong kinakahanayan natin, nagkakaroon ng pagtatalo.
Wala naman talagang totoong bida. Walang totoong kontrabida. Meron lang ang mga nanalo sa labanan na nabibigyan ng karapatan (dahil nagapi na ang kumukontra) na isakatupan ang kanilang interes. Sila rin ang may karapatang magsabi kung sino ang kontrabida.
Hindi karaniwang nanalo dahil tama ang ipinaglalaban. Karaniwan, nanalo ka dahil mahusay ang napili mong kakampi.

Linggo, Hulyo 8, 2012
Gagamba
Gagamba
Sa pagliban, pamumuro ng pagnanasa--tumatanggi ang katawan
maging kahit ano maliban sa sarili.
Ang multo, isang gagamba. Ang galamay ko'y nananabik
sa paghihintay, ang hibla ng sapot halos malagot.
Wala akong inaasahan liban sa pagkain, ang paghigpit ng kapit
bago magbuno ang katawan. Ang pagbigkis ng galaw mag-aakay
sa aking kamay sa punungkatawan, ang aking bibig sa tenga, at haplos
ng orkestrang pakay ang pagsuko.
Pinakanakakapukaw sa akin ang mga mata, mababaw
at blanko hanggang kapatawaran--mahigpit ang pagkapinid,
tila nagdarasal, habang walang salita ang papantay
sa kagalakan ng alat.
Nakakapukaw ang wala lang, inaasahang kamatayan.
Wala akong babaguhin sa mundo, wala sa ganap nang
hungkag na tao. Lamang, ako ang tatanaw sa bakante kong
bakuran na walang masyadong paghamak.
Linggo, Hulyo 1, 2012
Umaatikabong Bakbakan
Sino sa tingin nyo ang panalo?
Si Nick Fury o si Hawkeye?
Mas maraming karanasan at mas tuso sa tingin ko si Nick Fury. Mas mabilis din ang bumaril kaysa sa pumana.
Si Black Widow o si Hulk?
Obvious ba na si Black Widow? Parang naalala ko ang labanang Cheetah at Milka sa Project Runway Philippines season 3. Yung koleksyon ni Cheetah, parang si Hulk, galit lang... maingay at pakawala. Kapatid lang yata ni Kimmy na si Dora ang magsusuot ng damit ni Cheeta. (Si Kimmy yung laging galit, di ba?) Iyung kay Milka naman parang si Black Widow, kontrolado, hindi masyadong madrama.... panatag at panalo.
Peg ko lang ang eksena sa S01E05 ng The Avengers: Earth's Mightiest Heroes.
Si Captain America, si Thor o si Iron Man?
May pinagkaiba ba silang tatlo? Ok lang kahit sino manalo sa kanila. Kahit wala nga manalo, ok pa din.

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)