Lunes, Setyembre 17, 2012

Nakakatawang Kwentong eBay

Maraming bagay ang bumebenta sa eBay ngayon na may kasamang nakakatawang kwento. Halimbawa na lang ng isang Hulk na laruan sa linya ng Marvel Universe.

http://www.ebay.ph/itm/MARVEL-UNIVERSE-WAVE-18-HULK-LEGENDS-AVENGERS-/290775297178?pt=LH_DefaultDomain_211&hash=item43b38eec9a

Sa kasalukuyan, pumapatak itong PhP525 sa eBay. Ang pick-up point ay sa Megamall.

Ang nakakatawa, kahapon lamang, binibenta ang parehong laruan sa halagang P499.75 sa parehong lugar. Masmadalas talaga na masmahal sa eBay kaya hindi na ako masyado bumibili doon.

Ang dagdag na gastos (na hindi naman kailangan) ng mamimili ay kasalanan ng mga pangunahing toy stores at toy distributors. Kung alam lamang ng mga mamimili na kung ano ang meron sa mga tindahan, hindi na kailangan ng dagdag na gastos ng mga toy collectors sa pagbili sa eBay. Dahil dito talo pareho ang mga main toy store/distributor at mga mamimili. Ang kita na pwedeng mapunta sa mga pangunahing toy stores at toy distributors, napupunta sa mga ebay sellers. Masmalaki pa minsan!

Dapat may maayos na paraan para malaman ng mamimili kung ano ang meron sa mga tindahan (o paparating pa lang) upang maiiwasan ang mgaganitong nakakatawang kwento. Hindi mo naman masisi ang mamimili tulad ko na nagtatanong talaga sa tindahan. Ang kaso, kahit subukan mo tanungin ang mga sales personnel sa tindahan, hindi nila alam.

Walang komento: