Gagamba
Sa pagliban, pamumuro ng pagnanasa--tumatanggi ang katawan
maging kahit ano maliban sa sarili.
Ang multo, isang gagamba. Ang galamay ko'y nananabik
sa paghihintay, ang hibla ng sapot halos malagot.
Wala akong inaasahan liban sa pagkain, ang paghigpit ng kapit
bago magbuno ang katawan. Ang pagbigkis ng galaw mag-aakay
sa aking kamay sa punungkatawan, ang aking bibig sa tenga, at haplos
ng orkestrang pakay ang pagsuko.
Pinakanakakapukaw sa akin ang mga mata, mababaw
at blanko hanggang kapatawaran--mahigpit ang pagkapinid,
tila nagdarasal, habang walang salita ang papantay
sa kagalakan ng alat.
Nakakapukaw ang wala lang, inaasahang kamatayan.
Wala akong babaguhin sa mundo, wala sa ganap nang
hungkag na tao. Lamang, ako ang tatanaw sa bakante kong
bakuran na walang masyadong paghamak.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento