Walang katumbas sa Tagalog ang salitang "Halloween". Ang tradisyong ito ay isa sa ginaya natin sa mga Kano. Sa panahong ito, hindi lamang paggaya sa itsura ng mga masasamang elemento ang ginagawa kundi pati pagpapanggap bilang ibang tao.
Sa isang gabi, isang pagpapakawala sa sarili, isang pagbabago ang nagaganap sa mga tumatangkilik sa okasyon. Ngunit isa lang ba itong pagpapanggap? O sadyang may ganitong elemento na sa kaibuturan natin na sadya lang isinang-tabi?
Ang umaastang bruha ba sa isang gabi ay gusto talagang umastang bruha sa ibang pagkakataon? Hindi naman malayo mangyari yun. Masarap magpakawala at maging bruha paminsan-minsan. Aminin.
2 komento:
Kaibig-ibig larawan ... tulad ng ang kilusan
Translation attempt
Salamat Dana. Nakakaaliw ang tagasalin ng wika ng Google.
(Thanks Dana. Google translator is amusing.)
Mag-post ng isang Komento