Martes, Pebrero 3, 2015

Nilalangaw

Maraming echosera na hindi naman talaga mahilig sa manika ang bumibili ng manika para lang pagkakitaan. Ang problema, wala silang gaanong alam tungkol sa manika kaya hindi nila alam kung talagang kikita sila. Wish ko lang na naenjoy man lang nila ang mga laruan nila. Sad naman kung hindi. Hindi na nga nabenta, hindi pa naenjoy.

Tingnan na lang natin ang mga sumusunod na patalastas sa olx. Matagal ko na nakikita ang mga patalastas na ito. Karamihan, noong isang taon pa. Paulit-ulit lang na pinopost ng may-ari habang nagbabakasakaling may magkamaling bumili.


Karamihan sa kanila, hindi talaga alam ang tamang presyo. Yung iba naman, binabase ang presyo sa ibang bansa. Siguro pwedeng bumenta sa ganung presyo sa ibang bansa, pero dito... ayun, hindi nga bumenta. Tingnan mo na lang ang mga presyo. Talo pa ang isang FR na manika.

Hindi ako ang taong magsasabi ng tamang presyo ng mga manika. Pero alam ko na mali ang mga presyo nila. kasi kung tama ang presyo nila, matagal na silang nabenta. Minsan naiisip ko na wala naman talagang balak ibenta ang mga manikang yun. Baka gusto lang nila idisplay sa buong mundo na may laruan silang ganun. At olx pa talaga ang napili nilang display cabinet. Hahaha.

Walang komento: