Sabado, Hunyo 27, 2015

Mga extra at ang mga bagong bida

Sinubukan ko lang bumili ng mga bootlego friends. Kailan din naman may mga karaniwang tao na ililigtas ng mga super bayani sa mga masamang loob.


Wala lang. Pang-extra lang talaga sila.

Ito ang mga bida, si Andrea at ang pinagkakatiwalaan nyang robot na si Josie. Binuo ko lang si Andrea sa iba't ibang bootlego. Si Josie naman ay isang bootlegong Star Wars minifigure.


May nabubuong kwento na sa isip ko kaso kailangan ko pa ng ibang tauhan. E di, bibili na naman.

Miyerkules, Pebrero 4, 2015

Nagkamali ba ako sa pagbili?

Bili kasi ng bili. Takaw tingin lang? Ayan ang napala ko. Beh buti nga to me.

May ilang tao na din sa akin si Cher at nasa kahon lang talaga si teh sa loob ng ilang taon. Maganda sya kung maganda pero di ko alam kung paano sya paglalaruan. Nakahiya naman kasi na pagsuotin si teh ng mga gawa kong damit. Wala kasi sa bokabularyo nya ang "simple". Dapat saksakan ng landeh ang mga susuotin nya. Malandeh na sa akin ang kita ang panty o bra pero si Cher dapat kita singit or something. Ewww! Obvious ba na di ako fan ng lola mo.

Hakshwali, naalala ko lang si Cher dahil kay Lady Gaga. Pero teka muna. Di rin ako fan ni Gaga, huh. Mukhang Cher lang kasi sya lately. At mas gusto ko ang fashion sense ni Gaga in her Cher mode. Di ko masyado bet yung mga pang lantern parade nya suot dati. Oo funny yun pero may hangganan naman lahat ng jokes. Di timeless, ika nga. Pwede pa sya maging timeless in her Cher mode. Parang Madonna in her Marilyn mode. At dahil di nga ako fan ni Gaga, pwede ba wag na natin sya pag-usapan? Yung manika na lang na Cher.

Noong huling silip ko sa mala-kabaong na kahon ni Cher, napansin ko na unti unti nang natutuklap ang japeyks na leather sa jacket nya. Buti hindi pa ang boots anson roa.


Dalidali ko itong nilagyan ng special coating na may secret ingredient para di mabitak ang japeyks na leather. Parang botox lang, ala Cher. Secret yun kaya ang magtanong, papahiran ko ng kulangot!

Alam ko epektibo ito dahil nagamit ko na ito sa coat ni Nick Fury. Yung coat sa ibang collector, halos madurog na. Yung sa akin shiny pa, parang ulo lang ni Nick.




Kaya ngayon, nagdadalawang isip talaga ako bumili ng mga dolly items na may japeyks na leather kasi may expiration ito. Naalala ko tuloy yung puting Harley Davidson jacket ni Barbie...huhuhu. Ang sakit lang!

Napilitan na nga ako idebox si Cher pa ayusin yung mga leather churva nya. Di ko pa rin alam kung paano sya paglaruan pero at least, magagamit ko ang boots sa malapit na hinaharap. At mas matagal bago ito masira.

Martes, Pebrero 3, 2015

Nilalangaw

Maraming echosera na hindi naman talaga mahilig sa manika ang bumibili ng manika para lang pagkakitaan. Ang problema, wala silang gaanong alam tungkol sa manika kaya hindi nila alam kung talagang kikita sila. Wish ko lang na naenjoy man lang nila ang mga laruan nila. Sad naman kung hindi. Hindi na nga nabenta, hindi pa naenjoy.

Tingnan na lang natin ang mga sumusunod na patalastas sa olx. Matagal ko na nakikita ang mga patalastas na ito. Karamihan, noong isang taon pa. Paulit-ulit lang na pinopost ng may-ari habang nagbabakasakaling may magkamaling bumili.


Karamihan sa kanila, hindi talaga alam ang tamang presyo. Yung iba naman, binabase ang presyo sa ibang bansa. Siguro pwedeng bumenta sa ganung presyo sa ibang bansa, pero dito... ayun, hindi nga bumenta. Tingnan mo na lang ang mga presyo. Talo pa ang isang FR na manika.

Hindi ako ang taong magsasabi ng tamang presyo ng mga manika. Pero alam ko na mali ang mga presyo nila. kasi kung tama ang presyo nila, matagal na silang nabenta. Minsan naiisip ko na wala naman talagang balak ibenta ang mga manikang yun. Baka gusto lang nila idisplay sa buong mundo na may laruan silang ganun. At olx pa talaga ang napili nilang display cabinet. Hahaha.