Wag mo itong seryosohin dahil wala na ako sa katinuan. Hello...naglalaro kaya ako ng manika.
Linggo, Oktubre 6, 2013
Marvel Avengers Assemble Inferno Cannon Black Widow
Una sa lahat, hindi ko maintindihan kung bakit tumaas ng 40% ang presyo ng mga 3.75-inch action figures ng Marvel. Yung mga nasa dating presyo, binawasan naman ng articulation. Dahil sa pagtaas ng presyo, hihintayin ko muna na mag-sale bago ako bumili ng bagong action figure mula sa linyang ito. Sya lang ang binili ko kasi madalang naman talaga ang mga babaeng action figures. Baka maunahan pa ako ng iba. Ang swerte nga ng pakiramdam ko kasi may naabutan pa ako. (Kunsabagay, nababawasan na din ang mga taong nahihilig sa linyang ito. Exsaherada kasi ang mga presyo!)
May dalawa na akong Black Widow action figure bago ito. Una, yung gawa ko. Pangalawa, yung Avengers movie version. Yung gawa ko, nabubura yung mga pintura kaya delikado paglaruan. Yung pangalawa naman mukhang ewan ang nguso. Mas gusto ko ang ulo ng bagong bersyon.
Ang isa sa pangit ay wala syang kasamang baril. Ang kasama nya ay isang kanyon na eksaherada at pwede pang makabulag. May ilang paint defects din pero normal naman yun sa Hasbro.
Gusto ko sya kasi malapit sa sa comic version. Yung isang Black Widow ko, baka maging Maria Hill o di kaya ibang S.H.I.E.L.D. agent.
Parang gusto ko ng Black Widow na Barbie! Bagay siguro yung Louboutin na mukha.
Ang iba ko pang mga Marvel figures...
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento