Kamay ko yan :)
Wag mo itong seryosohin dahil wala na ako sa katinuan. Hello...naglalaro kaya ako ng manika.
Martes, Hulyo 31, 2012
Lunes, Hulyo 30, 2012
Buhay si Darna
Hindi katulad ng mga bida sa DC at Marvel komiks, madalas walang bagong kwento si Darna. Wala syang pool of writers para mag-isip ng mga bagong pakikipagsapalaran nya. Salamat na lamang sa mga pelikula at palabas sa TV, nabibigyan buhay paminsan-minsan si Darna.
Kahit hindi madalas ang pamamasyal ni Darna sa mga pahina ng komiks, gusto kong manatiling buhay sya sa aking imahinasyon. Kaya gumawa ako ng sarili kong Darna action figure.
May iba pa pala gusto bumuhay kay Darna. Sana maging matagumpay sila.Wag lang sana masyadong nakabuyangyang ang singit ni Darna kung sakaling papaliparin uli sya.

Miyerkules, Hulyo 25, 2012
Masmadaling maglaro ng action figure kaysa sa manika
Dati puro barbie ang nasa Flickr account ko. Ngayon, sa unang pahina, puro larawan ng action figure ang makikita. (Hindi kasama ang mga thumbnail para sa mga sets.) Kasama na dito ang mga larawang kasama sa entry kong ito pero walang kinalaman talaga sa sasabihin ko.
Nabanggit ko na dati kay Matto na medyo nasasawa na ako sa pagmamanika. Masmakain sa oras maglaro ng manika. Dahil wala naman talaga ako ganoong kahabang oras, dapat masulit ang maikling panahong nakabudget sa paglalaro, kaya action figures na lang muna ang lalaruin ko. Siguro kung nakapaglaro ka na ng dalawa, maari mo silang maikumpara. Pero ilan lang talaga sa atin ang nakapaglaro ng dalawa?
Bakit ko nga ba nasabi na masmadali maglaro ng action figure? Inilista ko ang mga dahilan.
1. Hindi na kailangang bihisan pa ng paulit-ulit ang mga action figure. Ang pagbibihis ng manika ang isa sa pinakakaraniwang paraan ng paglalaro ng manika. Kung naglalaro ka ng manika, siguro naman alam mo kung gaano kahalaga magtugma ang mga damit, sapatos at ibapang burloloy sa katawan. Ang pag-style sa isang manika pa lamang ay maaring tumagal ng ilang oras, iyon ay kung ayaw mong mukhang nakapambahay sila.
2. Dahil karaniwang limitado ang mga pose na gawin sa mga manika, kailangan magaling mag-isip ng ibang paraan ng pagkuha ng larawan. Sa action figure, ibahin mo lang ang pose, parang naiba na ang mga pangyayari. Sa model muse na manika, halimbawa, itaas, ibaba mo man ang kamay o ipihit mo man ang ulo, para pa din syang nagmomodel lang. Para "magmukhang bago" ang manika, kailangan makita ito sa bagong sitwasyon, posisyon o perspektibo.
3. Dahil mas maliit ang action figure, mas maliit na set ang kailangan. Ang mas maliit na set ay mas madaling i-manage.
4. Hindi mo na kailangan umisip ng mga character para sa action figure. Alam na kaagad kung mainitin ang ulo nila o mabait sila. Sa manika, kailangan mo pa isipin yun. At kailangan mo pa ibagay yun sa damit.
5. Pwede kontrahin ito ng iba, pero para sa akin, mas mahirap mag customize ng manika.

Lunes, Hulyo 23, 2012
Manikang Panglalaki
Bata pa lang ako, patago kong tinuring ko na mga manika ang mga G.I. Joes. Naalala ko pa noon na pinapatulog ko sila at ginagawaan ng bahay-bahayan. Pinapakain ko din sila at pinagpapahinga kapag napagod na sila makipagbaril-barilan.
Sa tanda kong ito, siguro naman, hindi ko na dapat itago ang pagturing ko kanila bilang manika. Wala na ang mga dati kong GI Joes. Mabuti naman at meron akong bago.
Akala mo nag-aaway si Snake-eyes at Storm Shadow, ano? Wag ka. Ganyan lang sila maglambingan.

Martes, Hulyo 17, 2012
Laban kung Laban
Kung sa Barbie, nai-imagine mo na maganda ka kahit hindi naman, sa action figures, nai-imagine mo na makapangyarihan ka kahit hindi naman.
Habang ipino-pose ko ang mga action figures ko, ini-imagine ko kung paano ang itsura namin habang sinusupalpal ko ang kalaban ko. Nai-imagine ko ang galit at ang lakas, habang dinudurog ko ang pagmumukha nila.
Walang awa-awa. Laban kung laban. Matira, matibay. Kahit maganda ka, parang si Barbie, kung mahina ka, bugbug ka.

Lunes, Hulyo 16, 2012
Bida laban sa bida
Kapag natalo na ng mga bida ang mga kontrabida, asahan mo may lalabas na bagong kontrabida sa hanay ng mga bida. Bawat isa sa atin ay may pansariling interes. Kung ang ating pansariling interes ay hindi na tugma sa interes ng ibang kaanib sa grupong kinakahanayan natin, nagkakaroon ng pagtatalo.
Wala naman talagang totoong bida. Walang totoong kontrabida. Meron lang ang mga nanalo sa labanan na nabibigyan ng karapatan (dahil nagapi na ang kumukontra) na isakatupan ang kanilang interes. Sila rin ang may karapatang magsabi kung sino ang kontrabida.
Hindi karaniwang nanalo dahil tama ang ipinaglalaban. Karaniwan, nanalo ka dahil mahusay ang napili mong kakampi.

Linggo, Hulyo 8, 2012
Gagamba
Gagamba
Sa pagliban, pamumuro ng pagnanasa--tumatanggi ang katawan
maging kahit ano maliban sa sarili.
Ang multo, isang gagamba. Ang galamay ko'y nananabik
sa paghihintay, ang hibla ng sapot halos malagot.
Wala akong inaasahan liban sa pagkain, ang paghigpit ng kapit
bago magbuno ang katawan. Ang pagbigkis ng galaw mag-aakay
sa aking kamay sa punungkatawan, ang aking bibig sa tenga, at haplos
ng orkestrang pakay ang pagsuko.
Pinakanakakapukaw sa akin ang mga mata, mababaw
at blanko hanggang kapatawaran--mahigpit ang pagkapinid,
tila nagdarasal, habang walang salita ang papantay
sa kagalakan ng alat.
Nakakapukaw ang wala lang, inaasahang kamatayan.
Wala akong babaguhin sa mundo, wala sa ganap nang
hungkag na tao. Lamang, ako ang tatanaw sa bakante kong
bakuran na walang masyadong paghamak.
Linggo, Hulyo 1, 2012
Umaatikabong Bakbakan
Sino sa tingin nyo ang panalo?
Si Nick Fury o si Hawkeye?
Mas maraming karanasan at mas tuso sa tingin ko si Nick Fury. Mas mabilis din ang bumaril kaysa sa pumana.
Si Black Widow o si Hulk?
Obvious ba na si Black Widow? Parang naalala ko ang labanang Cheetah at Milka sa Project Runway Philippines season 3. Yung koleksyon ni Cheetah, parang si Hulk, galit lang... maingay at pakawala. Kapatid lang yata ni Kimmy na si Dora ang magsusuot ng damit ni Cheeta. (Si Kimmy yung laging galit, di ba?) Iyung kay Milka naman parang si Black Widow, kontrolado, hindi masyadong madrama.... panatag at panalo.
Peg ko lang ang eksena sa S01E05 ng The Avengers: Earth's Mightiest Heroes.
Si Captain America, si Thor o si Iron Man?
May pinagkaiba ba silang tatlo? Ok lang kahit sino manalo sa kanila. Kahit wala nga manalo, ok pa din.

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)