Wag mo itong seryosohin dahil wala na ako sa katinuan. Hello...naglalaro kaya ako ng manika.
Biyernes, Marso 2, 2012
Pambihira!
Lumabas kamakailan sa Pezbook ng FBM Philippines ang larawan ng artistang si Beba Padilla na napapaligiran ng mga mapuputing modelo. Marami ang sumama ang damdamin sa ipinahihiwatig na "reverse racism" ng larawan. Dahil dito umani ng pagbabatikos ang larawan.
Nakapanayam ng staff ng Balbalang Balita si Padilla ukol sa isyu.
Balbalang Balita: Magandang araw Beba. Kumusta ka matapos makatanggap ng maraming pagbatikos ukol sa iyong larawan?
Beba Padilla: Okay naman.
BB: Habang kinukunan ang larawan, wala ka bang napansing mali na maaring ipahiwatig nito?
BP: Wala po.
BB: Sa tingin mo walang mali sa pagpapakita na angat ka sa iba dahil sa kulay ng iyong balat?
BP: Hindi po ako nakaangat sa iba. Nasa gitna lang po ako.
BB: Alam mo ba ang ibig sabihin ng "reverse racism"?
BP: Hindi po. English po yan di ba? Imbento ba ng mga Kano yan?
BB: Ayon sa aking pananaliksik, hindi Kano ang nag-imbento salita na yun. Gusto mo ba ipahiwatig na porke't wala sa iyong bokabularyo ang salita ay wala din ito sa iyong kamalayan?
BP: Kamalayan?...Malay ko.
BB: Ano ka ba naman Beba? Wala ka bang maibabahagi na makapagbibigay liwanag sa isyu na 'to?
BP: Ang korni naman kasi ng mga tanong mo eh. Walang ipinahiwatig sa larawan na pangit ang pagiging maputi o maitim. Ipapakita lang ng larawan kung gaano kadami (sa totoong buhay) ang mga mapuputing manika kumpara sa maiitim na manikang tulad ko. Bihira lang kami at dahil dyan kami ay natatawag na pam-bihira!
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento