Kasakasama ko si Kayla sa nakaraang lakaran kaso hindi ko sya nakunan ng maraming larawan. Gusto ko sanang makunan sya kasama ng isang kilalang palatandaan pero walang pagkakataon. Naisip ko na mabuti na din yun. Ayaw naman namin ipagsigawan sa buong mundo kung saan kami nanggaling. Maganda pa din magpunta sa kung saan hindi mo alam. Sa larawang ito, may simpleng pahiwatig kung saan kami nagtungo. Hindi na kailangan ng paliwanag sa nakakaalam.
Wag mo itong seryosohin dahil wala na ako sa katinuan. Hello...naglalaro kaya ako ng manika.
Miyerkules, Marso 28, 2012
Biyernes, Marso 16, 2012
Grace Kelly
Kapag si Ava Gardner ang sumakay sa taxi, alam agad ng tsuper na sya si Ava Gardner. Ganun din kay Lana Turner o Elizabeth Taylor, pero hindi sa akin. Hindi ako naging si Grace Kelly, lagi lang akong taong kamuka ni Grace Kelly.
- Grace Kelly
Pilit ko ginaya ang larawan sa taas pero syempre iba ang kinalabasan
dahil iba naman talaga ang totoong Grace Kelly sa mukhang Grace kelly lang.
Akala ko noon, ang Louboutin/Glimmer na hulma ang ginamit sa mukha ni Grace Kelly. Ganun kaordinaryo ang kagandahan ni Grace Kelly. Maganda sya, oo, pero maraming kasing ganda nya. Paano, kung ganun, umangat ang ganda ni Grace Kelly kumpara sa iba?
Hindi naman siguro dahil ganda ng kanyang buhok na halos laging maayos para hindi tumabing sa kanyang magandang mukha. Umangat sya hindi dahil sa maganda lang sya. Sa tingin ko, malaki ang naitulong ng pagkatao nya. Bago pa sya mapangasawa ng prinsipe ng Monaco, may nakarelasyon syang mga lalaking may-asawa na! Gusto ko na hindi sya ganoon kakonserbatibo lalo na noong panahon na iyon.
Syempre, kung may Birkin bag ang Barbie ko, dapat may Kelly bag din. Natuwa lang ako sa mga maliliit na bag na 'to kaya kinunan ko ng isa pang larawan.
Biyernes, Marso 9, 2012
Walang Kagana-gana
Nanabik pa naman ako bilihin 'tong manikang 'to pero ngayong nabili ko na sya, parang walang gana naman ako paglaruan sya.
Kahit papaano, nakatulong din naman itong manika sa akin na wag na bumili ng mas mahal na DVF Barbie.
Lunes, Marso 5, 2012
Balik-tanaw
1. Bumili ako dati ng isang DG na sobrang hindi ko nagustuhan. Ayan ang napapala sa impulse buying. Sa halip na rumupok sya sa pagkakatago, minabuti kong gamitin ang katawan sa ulo na gusto ko.
2. Gusto ang bagong itsura ni Lolita. Dahil sa bago nyang katawan, mas magiging mahusay syang tauhan. Parang gusto ko gumuwa uli ng comic strip. Parang lang...
________ ________
2. Gusto ang bagong itsura ni Lolita. Dahil sa bago nyang katawan, mas magiging mahusay syang tauhan. Parang gusto ko gumuwa uli ng comic strip. Parang lang...
________ ________
Biyernes, Marso 2, 2012
Pambihira!
Lumabas kamakailan sa Pezbook ng FBM Philippines ang larawan ng artistang si Beba Padilla na napapaligiran ng mga mapuputing modelo. Marami ang sumama ang damdamin sa ipinahihiwatig na "reverse racism" ng larawan. Dahil dito umani ng pagbabatikos ang larawan.
Nakapanayam ng staff ng Balbalang Balita si Padilla ukol sa isyu.
Balbalang Balita: Magandang araw Beba. Kumusta ka matapos makatanggap ng maraming pagbatikos ukol sa iyong larawan?
Beba Padilla: Okay naman.
BB: Habang kinukunan ang larawan, wala ka bang napansing mali na maaring ipahiwatig nito?
BP: Wala po.
BB: Sa tingin mo walang mali sa pagpapakita na angat ka sa iba dahil sa kulay ng iyong balat?
BP: Hindi po ako nakaangat sa iba. Nasa gitna lang po ako.
BB: Alam mo ba ang ibig sabihin ng "reverse racism"?
BP: Hindi po. English po yan di ba? Imbento ba ng mga Kano yan?
BB: Ayon sa aking pananaliksik, hindi Kano ang nag-imbento salita na yun. Gusto mo ba ipahiwatig na porke't wala sa iyong bokabularyo ang salita ay wala din ito sa iyong kamalayan?
BP: Kamalayan?...Malay ko.
BB: Ano ka ba naman Beba? Wala ka bang maibabahagi na makapagbibigay liwanag sa isyu na 'to?
BP: Ang korni naman kasi ng mga tanong mo eh. Walang ipinahiwatig sa larawan na pangit ang pagiging maputi o maitim. Ipapakita lang ng larawan kung gaano kadami (sa totoong buhay) ang mga mapuputing manika kumpara sa maiitim na manikang tulad ko. Bihira lang kami at dahil dyan kami ay natatawag na pam-bihira!
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)