Miyerkules, Oktubre 17, 2012

RH Bill


Maagang namatay ang ina ni Potpot dahil sa panganganak. Ngayong ulila na sila, si Potpot ang tumatayong ina. Si Potpot ay Pro RH Bill.

Martes, Oktubre 9, 2012

Marvel Universe Comic Pack Mandarin Action Figure

Wit ko knowing why pinagkakaguluhan ng ibang badette ang Mandarin action figure. Wiz naman sya starlet. Cynthia? Wit ko nga sya knowing. Imbey ang pricing nya ha! May mga lukaret na game magpaysung ng isang kyaw.

Bet ko lang sya pagkatapos ko magsighting sa Google ng contravidang Tsenemae sa Marvel Universe. Kahit sinong contravida, basta Tsenemae. Wala naman ako ibang mapagpilian kaya binili ko na sya. Queber! Nagetsak ko syang chepangga. Winnie Monsod atashie.

Pero pak na pak sya sa starring role nya (dautera, bitter ocampo at eksenadora) sa picturesque matagal ko nang gustong getsakin. Namsung nitetch: "Territorial Disputes".



Mega-join din sina Sunfire, na isang HapHap, at si Darna. Hay naku! Kaokray-okray si Darna ditey. Crayola ka na lang ineng.

Sabado, Oktubre 6, 2012

Collecticon 2012

Para sa akin, ang Collecticon ay isang maliit na version ng ToyCon.  Pareho silang maingay at masikip o matao. Ang malaking pinagkaiba ng dalawa ay libre ang pagpunta sa Collecticon. Sa ToyCon, may mapala ka man o wala, kailangan mong magbayad ng entrance fee.

Dahil baguhan ako sa pangongolekta ng Marvel Universe (MU) action figures, nagbakasakali akong makakabili doon ng mga lumang release sa murang halaga. Presyong holdaper kasi ang iba sa eBay. Hindi naman ako nabigo. Nakakuha ako ng dalawang kontrabida. (PhP450 ang Dr Doom, PhP400 ang Ultron.) Marami pang ibang mga lumang release kaso hindi ko binili dahil (1) mahal (2) hindi ko gusto (3) pareho.

Marvel Universe Dr. Doom and Ultron in single packs

Ang una ko talagang pinagkainteresan ay ang katawan ng action figure na nagkakahaga ng PhP600. Matagal ko na kasing hinahanapan ng bagong katawan ang  2 Star Trek figures ko na hindi ko pa nalalaruan kahit noong 2009 ko pa binili. Pangit kasi ang original na katawan. Walang paa! Siniguro ko muna na nalibot ko na ang buong lugar para sa mga MU bago ko binili ang mga katawan. May mga issue kasi ako sa katawan.

Nagdalawang-isip ako bilihin ito dahil baka hindi tugma ang kulay. (Hindi nga, pero pwede na.) Hindi ko din gusto ang mga joints nito na mukhang robot. Ok lang kung natatakpan ng damit. Pero nang kinunan ko ng larawan, hindi din naman ganoon kasama sa paningin. Mukhang sa marupok na klase ng plastic gawa ang figure, kaya siguro mura. Iingatan ko na lang para hindi agad mabali. Sana hindi agad masira ang mg abago kong laruan.

12-inch Original Action figure body

Sa limang taon ng Collecticon, 2 beses pa lang ako nakapunta. malayo kasi. Sana sa susunod sa Galleria na lang ganapin, o di kaya sa Alimall.