Dear blog reader,
Sa wakas, naasembol ko na ang Avengers. Now lang, kasi pahirapan makabili ng Hawkeye. Akala ko nga di na ko makakabili e. Kasi sabi ng isang salesman sa Toys R Us, sa isang toy event lang daw nilabas yung Hawkeye at Black Widow. Naubos na daw then and there.
Pupunta sana ako sa toy event na yun kaso nakaisip ako ng maraming dahilan para hindi pumunta, na kesyo malayo masyado ang Rob Ermita etcetera etcetera. Buti na lang di ako nagpunta kasi balita ko from other toy collectors, forever na 3 hours daw silang naghintay bago inilabas ang mga laruan. Para sa mga taong naloloko sa mga laruan, kailangan talaga praktisado ka sa paghihintay.
Naisip ko na hintayin na lang sya sa eBay. Ilang minuto matapos ang toy event, may nagpost na sa eBay. Tumataginting na P1500! Hello? Okay ka lang? Ano yan, Barbie? Ang liit-liit nyan (maliit pa sa toytoy ko) tapos ganyan kamahal. Naghintay uli ako. Baka meron sa toy con.
Wala.
Hintay uli ako. Baka may mag-offer ng masmura sa eBay. Meron nga! P900. Hindi bumenta. Ibinaba ng seller to P800. Wala pa din pumatos. P750 na lang mga suki. Bili-bili na. No deal! Ngayon P600 na lang plus shipping na P50 to P150 depende sa location ng buyer. Hmmmm.... esep-esep. Bibilihin ko ba?
Hintay muna.
Kanina, napadaan ako sa isa pang branch ng Toys R Us. Hindi umaasa pero nagbabakasakali na baka merong Hawkeye. Meron nga. Yehey! P549.75 lang. Dobol yehey! Chura ng mga eBay sellers na yun. Naisip ko, "Magaya nga sila. What is pakyawin ko 'tong 3 Hawkeye at ibenta sa eBay?" Di ko tinuloy. Hassle kaya magbenta sa eBay. Na try ko na.
Akala ko mga babae lang magaling sa tawaran (oo, sexist ako), yung mga lalaking toy collector din pala. May nalalaman pa silang barter or trade. Ano 'to panahon ni Magellan?
Di naman talaga ako na-impress sa character ni Hawkeye. May kutob lang ako na sya ang token gay guy sa Avengers. Si Nick Fury ang token AA guy at si Black Widow ang token female. Sa sequel, may Asian character na daw. Woohoo! Kaso kontrabida...aayyy. At dahil gay ako (gay daw oh), binili ko si Hawkeye.
Speaking of Black Widow, favorite ko sya. Mas nakakarelate ako sa kanya kaysa dun sa bading. Gusto ko din kung paano gamitin ni Black Widow ang emosyon nya bilang sandata. Kaya nga sya ang iniharap sa isang walang masyadong kontrol sa emosyon (si Hulk) para irecruit ito. Cool din na nab!tch-slap nya si Hawkeye.
Inaasahan kong pahirapan makabili ng Black Widow kaya gumawa na lang ako. Hindi daw (according to statistics) mabili ang mga female action figures sa mga batang lalaki. Syempre natakot ang mga parents baka gawing manika, di ba? Hello, ginawa ko kayang manika yung mga lalaking action figures ko noon. Kung may imagination, may paraan.
Ginamit ko si Scarlet (hindi Johansson, loka) GI Joe bilang base figure. In furnez, naaliw naman ako sa paglagay ng lipstick sa maliit nyang bibig at maliit na kulot sa pula nyang buhok.
Ang haba na ng kwento ko. Hanggang dito na lang muna. Alam mo ba kung bakit ko 'to kinukwneto sa yo? Para sayangin ang oras mo magbasa.
Lovingly yours,
ManikaNiKo