Lunes, Mayo 28, 2012

Paano ba maging milyonaryo?

Hindi ko alam, pero malamang hindi sa pagbili ng mga manika.  Wala pa kasi akong nakilala na naging milyonaryo dahil sa pagbili ng manika. Pero may MGA kilala ako na kabaliktaran.  Hay...utang na loob...ayaw ko pag-usapan yun.


Bakit ko ba naisip kung paano maging milyonaryo? Suot kasi ni Debraliz ang damit na gaya ng suot ni Marilyn Monroe sa pelikulang "How to Marry a Millionaire".

Isa ang sigurado, kailangan ng katinuan para maging milyonaryo. Unti-unti na ba bumabalik sa katinuan ang mga taong tulad ko na nahihilig sa manika? Maskaunti na daw kasi ang bumibili ng Barbie dolls!
Nakakalungkot naman kung konti na lang ang mga baliw na katulad ko. Bwahahaha!

Pwede namang marami pa din ang baliw na tulad ko. Engot lang siguro ang mga taong nasa likod ng pagbebenta ng Barbie.

Lunes, Mayo 21, 2012

Bagong Kaanib


Kita mo nga naman kung gaano kagaling si Black Widow maghanap ng bagong kaanib! Dati anim lang ang action figure ko na 1:18 scale. Sa isang iglap, halos isang dosena ang nadagdag. May playset pa!

Biyernes, Mayo 18, 2012

Sya lang...


Sya lang, sa ngayon, ang manikang nagpapagana ng imahinasyon ko.

Miyerkules, Mayo 16, 2012

Nakakasawa

Hellooo!

Nakakatamad din naman kung palagi nagmamanika. Kahit anong masarap kung palagi natitikman, nakakasawa din. At saka yun ng yun pa din ang mga nakikita kong manika kung saan-saan.

Sa totoo lang itinago ko na sa maleta yung mga manika ko. Yung iba na lang na hindi kasya sa maleta ang nakalabas. Ayaw ko na muna sila atupagin. As in wala naman akong napapala. Hindi man lang mapukaw imagination ko.

Iba ang pumupukaw ng imagination ko sa ngayon: ang mga Avengers!




My hero! Echoz lang...

Lunes, Mayo 7, 2012

Debraliz Doolittle

Sobrang tagal na akong nag-aabang sa isang Marilyn Monroe na Barbie sa eBay. Wala akong gustong ibang manika kundi ang Marilynna Barbie. Kaso yung gusto kong bersyon ay medyo mahirap mahanap sa magandang presyo kahit gamit na. Masmakakamura pa bumili ng bagong manika at retukahin para mag mukhang Marilyn.

Naisipan kong gawin ito kasi labis akong naaliw sa isang palatuntunang pinamagatang Smash. Dahil hindi Marilyn Monroe na molde ang ginamit ko, ayaw ko syang tawaging Marilyn. Isa lang syang Marilyn impersonator. Sya si Debraliz Doolittle, isang aktres na nangangarap pumapel bilang si Marilyn sa musical na pinamagatang Bombshell. Heto na sya.


Ang damit nya ay hango mula sa mga damit na sinuot din ni Marilyn...

Martes, Mayo 1, 2012

Ano ang kulay ng dyosa?

Puti.

"Para sa puting pang dyosa." Ayon ito sa isang patalastas ng sabong panlabang pinagbibidahan ni Anne Cortez.

Nakapanayam namin si Salubrity, isa sa mga Barbie Basics na may Goddess na mukha. Tinanong namin sya kung ano ang kulay ng dyosa.



"Puti," aniya. "Hindi ako goddess. Gumagamit lang ako ng mukha ng goddess pero hindi ako goddess. Barbie Basics ako! Basta dyosa o goddess, puti. Nandiyan ang mga classical goddess na manika na puti lahat. Nandyan din ang bagong goddess series na puti din lahat. Puti din ang mga dyosang ginawa ni Mackie tulad ng Goddess of the Sun, Moon, Asia, Artic etc.

"Dalawang beses pa lang yata nagkakamali ang Mattel sa kulay ng Goddess. Ito ay noong ginawa nila ang Goddess of Africa at Americas."