Lunes, Enero 23, 2012

Naiibang Sayaw


Wala kang bagong matututunan kung wala kang bagong sinusubukan. Kung gusto mong may ibang patunguhan, subukan mong tumahak ng ibang daan.

Naaliw ako tuwing nakakakita ng mga bagong sayaw. Pwede palang sumayaw ng ganun! Hindi ko siguro yun malalaman kung hindi ko sinubukang magbuhos ng oras sa mga bagay na walang kinalaman sa manika.

Lunes, Enero 9, 2012

Pahinga Muna

Magpapahinga muna ako sa pagba-blog sa mga manika. Naglalaro pa din naman ako kaso di na gaano. Parang nananawa na yata ako. May mga gusto pa akong gawin na may kinalaman sa pagmamanika pero wala pang oras para doon. Siguro kapag lumipas ang panahon, manunumbalik din ang sabik ko sa paglalaro ng manika. Siguro kapag dumating na sa mga tindahan ng laruan si Fashionista Raquelle. Hehehe.

Sa iba muna nakatuon ang atensyon ko, sa ngayon.